Linggo, Enero 17, 2016

Bakit nga ba?



Bakit ganun? College na ako hanggang ngayon wala parin nagkakagusto sa akin, Minsan nga tinatanung ko na magulang ko, friends at kapatid ko na "PANGET BA AKO?" sabi nila hindi naman daw pero bakit ganun? Bakit hindi ko maranasan yung mga mararanasan ng ibang mga kabataan na kagaya ko na may nagkakagusto sa kanila yung tinatawag na CRUSH o LIKE lang. Nagtataka lang kasi ako tinalo pa ako ng elementary students na minsan nga hindi crush kundi Girl/boyfriend na sila.

Actually hindi naman talaga ako naiinggit sa may mga karelasyon ngayon para sa aking good thing nga yun kasi mas maasikaso ko ang buhay ko ng maayos especially yung pag-aaral ko pero minsan kasi hindi ko rin maiwasan na BAKIT WALANG NAGKAKAGUSTO SAKIN? sabi ng mga friends ko may sense of humors naman ako, mabait,  okay naman ako sa pag-aaral,palatawa, madali pakisamahan, understanding, nakikiride sa lahat ng bagay at hindi maarte. Sabi nila yan daw ang mga mga nagugustuhan ng mga tao ngayon. Pero bakit niminsan hindi ko naranasan na may nagkagusto sakin. Ang lumalabas ako nalang lagi  may crush :( lagi ako nalang nagkakagusto tapos minsan pa yung taong gusto ko maging close kami more friends ay hindi nangyayari kasi hanggang BESTFRIEND material lang ako :( Tanggap ko na yun dati pa, pero bakit ba ganun? Sabi nila siguro hindi pa dumadating yung tamang tao para sa akin ang sa akin lang naman ang gusto ko lang na maranasan na  :UY! may crush yan sayo" kahit yung ganyan lang. ayoko rin naman maging in relationship kasi di naman ako ready sa ganyan. ang gusto ko lang namaranasan na may nagkakagusto sa akin na kahit anung gawn ko okay lang sa kanya kahit gawin ko gago o tanga ung sarili para sa kanya maganda parin ako HAHAHA. Pero alam ko impossible mangyari yun kasi ang totoo naman hindi ako Maganda gaya ng iba, sexy, hot, brainy o kahit ano pa man na nagugustuhan ng isang lalake.




KAya minsan naiisip ko siguro nga hanggang pagkagagraduate ko ng college, magkaroon ang work, at makapagtravel baka wala nang dumating pero atleast nagawa ko namn yung GOALS ko sa buhay masaya na ako dun. Dun ko nalang ifofocus ang buhay ko sa mga GOALS ko kahit sabihin nila may KULANG kasi hindi magandang tumanda na wala kang kasama sa buhay. Pero ano magagawa ko diba? eh sa wala talaga yaan ko nalang kung ayon talaga nakatakdang mangyari sakin




2 komento:

  1. ang sakit lang na bakit nga ba walang nagkakagusto sakin? i've tried everything I can just to be a person that can be easily loved pero bakit wala pa rin.

    TumugonBurahin
  2. Borgata Hotel Casino and Spa - DrmCD
    Borgata Hotel 구미 출장안마 Casino and Spa is a luxurious destination for 김포 출장안마 travelers who 사천 출장안마 want to 구미 출장샵 discover Las Vegas. 전주 출장마사지 Its grandiose architecture, fresh water and spa await

    TumugonBurahin